Halos 300 Factory Worker Sa Syria, Binihag Ng Isis

7

SYRIA- Aabot sa 300 trabahador ng isang pabrika ng semento ang dinukot ng ISIS sa Syria.Sa report, pinasok ng ISIS ang dormitoryong tinutuluyan ng mga tauhan ng Al-Badiyeh Cement Company at binihag ang mga biktima.Ayon sa mga nakasaksi, isinakay sa isang bus ang mga bihag at dinala sa lugar na kotrolado ng ISIS.Sa ngayon, patuloy ang paghahanap sa daang-daang empleyado.Ang nasabing pabrika ay may layong 48 kilometro Hilagang Silangan ng Damascus.

Facebook Comments