Isang tanggapan sa Camp Crame, may Gender-Sensitive CR

Matagal nang iminumungkahi ng PNP Human Rights Affairs Office ang pagkakaroon ng Gender-Sensitive Comfort Rooms.

Ayon kay PNP HRAO Chief Police Brig. Gen. Dennis Siervo, ang kanilang tanggapan ay matagal nang may Gender-Sensitive Comfort Room at naipapagamit na ito sa lahat ng may transaksyon sa kanilang tanggapan.

Maliban sa mga pulis at mga non-uniformed personnel, may mga bisita rin sila sa kanilang tanggapan para sa mga isinasagawang training.


Sa ngayon, mayroon silang comfort room para sa lalake, sa babae at comfort room para sa lahat ng kasarian.

May nakapaskil itong karatula na Gender Senstive Comfort Room “LGBT OR GUEST.”

Giit ni Gen. Siervo, napaka-importante ang pagkakaroon ng ganitong uri ng CR para maiwasan ang diskriminasyon at hindi maiilang ang LGBT Community sa mga pampublikong palikuran.

Kaya naman hinihikayat ng PNP HRAO ang mga pribadong sektor at lahat ng tanggapan ng gobyerno na magtayo ng Gender-Sensitive comfort rooms.

Matatandaang  isang transgender woman na kinilalang si Gretchen Custodio Diez ang hinarang sa paggamit ng female CR sa isang mall sa Quezon City na nauwi sa pagka-aresto rito dahil sa ginawang pag FB live habang nakikipag-kompronta sa Janitress ng mall.

Facebook Comments