Isang taong gulang na bata at apat na menor de edad sa Urdaneta city ang nagpositibo sa COVID-19.
Ang mga ito ay kabilang sa labing isang bagong aktibong kaso ng lungsod sa nakakahawang sakit.
Ang isang taong gulang ay mula sa Barangay Palina East at nanatiling symptomatic.
May na 18, 17 at 15 naman ang menor de edad na nagpositibo din sa sakit na lahat ay mula sa Brgy. San Vicente na mayroong comorbidity.
Nasa quarantine facility na ang mga ito upang mamonitor ang kanilang kalagayan sa nakakahawang sakit.
Dahil dito nasa 57 na ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod sa kabuuang 766 na kaso.
Paalala naman ng lokal na pamahalaan ang istriktong pagsunod sa public health standard upang mawakasan ang community transmission.
Facebook Comments