Welcome sa Land Bank of the Philippines (LANDBANK) ang pagpapatupad ng isang taong moratorium sa land amortization at interest payments ng mga ipinamahaging lupa para sa mga agrarian reform beneficiaries (ARBs).
Kasunod ito ng nilagdaang Executive Order ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong September 13 na nagtitigil sa mga naturang bayarin sa loob ng isang taon upang mabigyan ang mga ARBs ng pagkakataon na makapag-ipon at magamit ang pondo sa pagpapabuti ng kanilang sakahan.
Dahil dito ay mabibigyan ng financial relief ang higit 650,000 ARB’s na labis naapektuhan ng nagpapatuloy na COVID-19 pandemic.
Mababatid na ang LANDBANK ang nangongolekta ng land amortizations mula sa ARBs na siyang financial intermediary ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).
Samantala, patuloy pa rin ang LANDBANK sa pag-alok ng financial assistance sa mga ARBs at kanilang mga origanisasyon para sa crop production, agri-enterprise at iba pang agri-related projects.