Isang testigo sa anomalya sa PhilHealth, umatras dahil sa banta sa kanyang buhay

Umatras si Etrobal Laborte sa pagtestigo sa pagdinig ng Senado ukol sa mga anomalya sa PhilHealth dahil may natanggap itong banta sa kanyang buhay.

Si Laborte ay dating Head Executive Assistant ni PhilHealth President and CEO Ricardo Morales at nakatakda sana itong magbigay ng impormasyon sa Senate hearing ukol sa overprice na IT System ng ahensya.

Ayon kay Senator Panfilo “Ping” Lacson, nag log in pa si Laborte sa virtual hearing ng Senado pero biglang nag log out ito at nagsabi na kung pwede ay huwag na siyang makisali.


Kwento ni Lacson, ilang linggo bago ang pagdinig ng Senado kahapon ay makikipag kita sana sa kanya si Laborte pero hindi natuloy dahil napansin nito na may sumusunod sa kanya.

Para kay Lacson, malaking kawalan ang hindi pagtestigo ni Laborte dahil marami itong isisiwalat ukol sa mga iregularidad sa PhilHealth.

Facebook Comments