Isang train enthusiast sa Japan, ginawang replica ng cabin ng tren ang kaniyang kwarto

Manila, Philippines – Isang train enthusiast ang nakaisipng kakaibang ideya para maramdaman niya na palagi siyang nasa loob ng tren.
Sa post sa twitter ng user na @igaigaadjmadjml na isang tetsudo fan (railfan in English) makikita dito kung paano niya nai-transform ang kaniiyang kwarto sa isang cabin ng tren.
Isa-isa din ipinost ng nasabing tetsudo fan ang mga litrato kung paano ang step-by-step na paggagawa nito sa kaniyang kwarto.
Inaabot naman ng ilang araw bago nakumpleto ang kwarto kung saan umani naman ito ng positibong reaction sa social media.
Napag-alaman na ang mga tetsudo fan ay ang mga taong mahilig sumakay, mag-research at dumalo sa mga seremoniya basta’t tren ang pag-uusapan.

Facebook Comments