Iimbistigahan ng Philippine Coast Guard ang pagkahulog ng isang trak na may kargang mga sakop na mais na bigas sa pantalan ng Danao City sa lalawigan ng Cebu.
Ayun sa report na natanggap ng Philippine Coast Guard Central Visayas nagmamaniobra na ang six wheeler truck para maisakay sa roro na MV Mika Mari-v ng Jomalia Shipping Lines nang maputol ang kabli sa rampa ng barko dahil sa bigat ng sasakyan at nahulog ito sa dagat.
Wala namang napaulat na nasaktan dahil mabilis na nakatalon ang driver ng trak at mga tripulante nito bago pa tuluyang mahulog ito sa dagat.
Kaagad na nagrespondi ang Coast Guard sa Danao City at hindi na pinabiaye ang barko at inilipat na lang ang 94 na pasahero pati na ang iba pang sampung mga sasakyan sa sister ship ng barko na MV Mika Mari 6.
200 sako ng bigas ang nakuha mula sa trak habang ang iba pa ay natapon sa ilalim ng dagat.
Pinagsusumiti ng marine protests ang kapitan ng barko upang maiimbistiga ang insidente.