Tatlong miyembro ng pamilya, patay dahil sa landslide sa Davao Occidental

117

Patay ang tatlong miyembro ng pamilya matapos natabunan ng lupa dahil sa nangyaring landslide sa Brgy. Nuing, Jose Abad Santos, Davao Occidental noong  araw ng linggo, July 14, 2019 pero nakita ang mga bangkay nito kahapon lamang, July 15, 2019 base sa report ng lokal na gobyerno.

 

Kinilala ang mga biktima na sina Efrencio Serna Sr. 53 anyos, (ama), Mateya Serna 53 anyos, (asawa) at anak nitong si Efrencio Serna Jr., 23 anyos.


 

Sa initial report ng Jose Abad Santos Government, bumili umano ang mga biktima ng pagkain pero nang pauwi na ay gumuho ang lupa sa kanilang dinaanan at natabunan ang mga ito.

 

Sa ngayon, natulungan na ng lokal na gobyerno ang mga naiwang pamilya gaya ng financial assistance at scholarship sa kaanak ng mga biktima.

 

Dagdag nito, gumawa na rin ng ligtas na daanan ang lokal na gobyerno sa nasabing lugar para maiwasan ang nasabing insidente.

Facebook Comments

From Advertisers