Isang transport group, nais marinig sa unang SONA ni PBBM kung ano ang mangyayari sa PUV Modernization Program

Nais marinig ng transport group na Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) sa bibigkasing State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., ang kongkretong posisyon nito na PUV Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan.

Umaasa si FEJODAP National President Boy Rebano na mabanggit ni PBBM sa kaniyang unang SONA ang tungkol sa kapakanan ng mga nasa transport group partikular ang sa Public Utility Jeep (PUJ) na pinakikinabangan ng mga ordinaryong mananakay.

Isinisisi ng nasa transport group ang PUVMP na siyang dahilan ng pagkawala ng kabuhayan ng mga operator at driver ng PUJ.


Ani Rebano, marami sa kanilang hanay ang di na nakabalik sa paghahanapbuhay dahil hindi na binuksan ang mga ruta na kanilang pinagpapasadahan.

Pangamba ni Rebano, paano nila mabibigyan ng serbisyo ang madadagdag na pasahero sa pagbubukas ng klase kung di pa rin binubuksan ang kanilang mga dating ruta.

Facebook Comments