Isang tricycle driver, pinagbabaril patay sa Caloocan City

Manila, Philippines – Patay ang isang tricycle driver mataposna pagbabarilin ng mga riding in tandem sa Brgy. 176 Bagong Silang CaloocanCity.
  Nakilala lamang ang biktima na alyas Major na isa umanongtricycle driver sa lugar.
  Batay sa imbestigasyon ng pulisya pasado alas onse kagabiay  nakatambay umano  sa tapat ng tindahan ni Banjenisa Labrador sialyas Major nang pagbabarilin ng dalawang riding in tandem sa phase 7B, Brgy.176, Bagong Silang, Caloocan City.
  Ayon kay labrador, apat na lalaking nakamaskara,nakabonnet at nakajacket ang sakay ng mga motorskilo at bumaba ang dalawapagkatapos walang kaabog-abog na pinagbabaril ang biktima tinamaan sa leeg,batok at braso.
  Bagamat may tama na ang biktima  nakapasok pa umano  sa loob ng tindahan si alyas Major perohinabol siya ng mga suspek at naabutan sa pintuan.
  Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang anim nabasyo  ng kalibre kwarenta’y singkongbaril.
  Napag-alaman na dati ng nakulong si alyas Major dahil sailigal na droga.
  Siyam na sachet ng hinihinalang shabu ang nakuha umano sakanyang bangkay.
  Sabi ni labrador, pinagsususpetsahan nga ng ilangresidente na sangkot sa ilegal na droga ang biktima na nagtatrabaho bilangtricycle driver.
  Inaalam na ng pulisya kung mayroong CCTV camera sapinangyarihan ng pamamaril.

Facebook Comments