Menor de edad,nahulihan ng marijuana sa Pasay City

Manila, Philippines – Kalaboso  ang isang menor de edad matapos  mahulihan ng mga  pakete ng marijuana sa Pasay City.
  Ang kinse-anyos ay itinatago ni PO1 John Mark Cruz sa pangalang “Arnold”, gradeeight student ng Pasay City North High School, at residente ng Leonardo St.,Brgy. 61.
  Nagpapatrulya  angmga pulis bandang alas-10:30 ng gabi sa I. Victor Street kanto ng Pasille 3Street nang mamataan si ‘Arnold’ na walang pang-itaas na damit kaya’t sinitanila ito.
  At dahil kahina-hinala nga ang kilos ng suspek aykinapkapan ito ng mga alagad ng batas at dito na raw nasamsam mula sa kanya anglabing tatlong sachet ng hinihinalang marijuana at dalawang drug paraphernalia.
  Gayunman, dahil nga sa menor de edad, isasailalim sacustody ng DSWD at hindi sa pulis ang naturang suspek.

Facebook Comments