ISANG TRICYCLE DRIVER SA DAGUPAN CITY, NAGPAMALAS NG KATAPATAN SA NAIWANG GAMIT NG KANYANG PASAHERO

Katapatan at kagitingan ang ipinamalas ng isang tricycle driver na si Danilo Diaz, matapos magsauli kamakailan ng naiwang cellphone ng kanyang pasahero sa tanggapan ng POSO Dagupan.
Mulas sa Poblacion Oeste, Dagupan City si Diaz at ang nasabing gamit na naisauli ay pagmamay-ari ni Kim Callanta ng Sitio Calima, Pantal Dagupan City.
Samantala, lubos ang pasasalamat ni Callanta sa pagkakasa-uli sa nawala niyang gamit at napabilib sa katapatan ipinamalas ng nabanggit na tricycle driver.

Kaya naman Idol Danilo, isa ka sa hindi maipagkakailang Idol ng nakakarami. |ifmnews
Facebook Comments