LALAKING NAG AMOK SA BAYAN NG MABINI, PATAY MATAPOS BARILIN NG TITO NITO

Patay ang isang lalaki matapos itong barilin ng kanyang tito sa bayan ng Mabini.
Ang biktima ay nakilalang si Marvin Rivera habang ang suspek naman ay nakilalang si Ramon Rivera mga residente ng nasabing bayan.
Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP na naganap ang pamamaril pasado alas singko ng madaling araw sa lugar ng suspek kung saan ay dumating ang biktima at nag aamok.

Dito na ito kinumpronta ng suspek na ng mga sandaling iyon ay nagising mula sa pagkakatulog.
Dito na nagkaroon ng mainitang pagtatalo kung saan ay pumasok sa bahay ng suspek ang biktima dahilan para barilin ng suspect ng Dalawang beses ang kanyang pamangkin.
Nagtamo ito ng dalawang gun shot wound na agad namang naisugod sa pagamutan subalit idineklarang Dead on Arrival habang naaresto naman ng PNP ang suspek matapos ang insidente. |ifmnews
Facebook Comments