Kasalukuyang nagsasagawa ng koordinasyon para sa trilateral meeting sa pagitan ng Amerika, Japan at Pilipinas.
Ito ay ayon kay Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel “Babe” Romualdez sa panayam ng Philippine media sa Jakarate Indonesia.
Sinabi ni Romualdez na ang Amerika at Japan ang humiling sa naturang trilateral meeting.
Pero dahil sa puno pa ang iskedyul, sinabi ni Romualdez na pinaplantsa pa ito.
Nasa Jakarta, Indonesia si Pangulong Bongbong Marcos at United States Vice President Kamala Harris at dumadalo sa 43rd Association of Southeast Asian Summit.
Isa sa mga pag-uusapan sa trilateral meeting ang South China Sea.
Kilalang kaalyado ng Pilipinas ang Amerika at Japan sa usapin sa South China Sea.
Kasama si Romualdez sa delegasyon ni Pangulong Marcos sa Indonesia.