Pagpapakawala ng tubig sa Ipo Dam, itinigil na

Hindi na nagpapakawala ng tubig sa ngayon ang Ipo Dam sa Norzagaray, Bulacan.

Sa datos ng PAGASA Hydrometreology, as of 6am, ay nasa 100.61 meters na ang lebel ng tubig sa Ipo Dam na mas mababa na 101 meters spilling level nito.

Sa ngayon, tanging ang Ambuklao at Binga Dam nalang ang nagpapakawala ng tubig na nagbukas ng tig-tatlong gates.


Patuloy namang nadaragdagan ang lebel ng tubig sa Angat Dam na pinagmumulan ng 90% ng suplay ng tubig sa Metro Manila.

Umakyat pa sa 203.56 meters ang lebel ng tubig sa Angat matapos madagdagan ng 49 sentimetro.

Facebook Comments