Isang Tsuper sa Ramon, Isabela, Inaresto ng mga otoridad!

51

Ramon, Isabela – Dinakip ng mga otoridad ang isang driver sa kasong pangangalunya matapos isilbi ang Warrant of Arrest nito dakong alas dos ng hapon sa Brgy. Nagbacalan, Ramon, Isabela.

Kinilala ang nahuli na si Jessie Ronas Tacderan, 39 taong gulang, may asawa at residente ng nabanggit na lugar.

Inaresto si Tacderan ng mga kasapi ng PNP Ramon sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Rodrigo Pascua Jr. Presiding Judge ng 14th MCTC, Ramon-San Isidro, Isabela dahil sa kasong Adultery.

Pansamantalang makakalaya ang akusado kung makakapaglagak ng kanyang piyansang labindalawang libong piso.

Facebook Comments