Isang Tulak ng Droga, Timbog sa Buy-Bust!

San Mateo, Isabela- Arestado ang isang lalaki sa isinagawang Buy Bust Operation nang pinagsanib pangkat ng PNP San Mateo at PDEA RO2 matapos magbenta ng hinihinalang shabu kahapon, Pebrero 22,2018 sa Brgy. Victoria, San Mateo, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Rodolfo Javier, 52 anyos, walang asawa at residente ng Brgy. Villa Cruz, San Mateo, Isabela.

Nakuha mula sa pag-iingat ni Javier ang isang Heat sealed Transparent sachet na hinihinalang shabu at limang daang pisong buy bust money.


Hawak na ngayon ng pulisya si Javier at mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments