KAKAIBA | Baboy na mukhang elepante, pinagkakaguluhan sa Thailand

Panghimagas – Pinagkakaguluhan ngayon sa Nakhon Phanom province sa Thailand ang isang three-day old na baboy na mas mukha pang baby elephant.

Mayroon kasi itong tila elephant trunk sa kanyang mukha partikular sa kanyang noo sa pagitan ng kanyang mga mata.

Dahil sa sitwasyon ng baboy, nahihirapan siyang dumede sa kanyang ina.


Ayon sa local farmer na si Nisaa Seehala – mahina ang baboy kaya naman pinapakain na lang nila ito sa pamamagitan ng bottle-feeding.

Matapos namang mag-viral sa social media ang mga larawan ng baboy, dinumog na raw ng mga tao ang kanyang bukid para makita ang mutant pig.

Facebook Comments