Isang tulay sa Sarangani province, sarado pa rin sa publiko kasunod ng pagtama ng 6.8 magnitude na lindol noong Biyernes

Sarado pa rin sa publiko ang isang tulay sa bayan ng Glan, Sarangani province matapos tumama ang 6.8 magnitude na lindol noong Biyernes.

Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH) Region 12, hindi muna pwedeng daanan ang Buayan-Glan Road dahil kasalukuyang nagsasagawa ng inspection sa tulay ng Buayan.

Ang naturang tulay ang nagdudugtong sa dalawang bayan patungong General Santos City.


Dahil dito, naglaan muna ng alternatibong ruta ang DPWH hangga’t hindi natatapos ang assessment sa tulay.

Samantala, wala namang naitala na anumang matinding pinsala sa mga kalsada at tulay sa buong rehiyon matapos ang malakas na pagyanig.

Facebook Comments