Gasolinahan sa Visayas Avenue, kinordon dahil sa hinihinalang gas leak

Pansamantalang isinara ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang Power Fill gas station sa kanto ng Lands St., Visayas Avenue sa Brgy. Vasra dahil sa hinihinalang gas leak.

Una rito, nakatanggap ng reklamo ang BFP mula sa mga nakatira malapit sa Power Fill dahil sa naamoy na gas.

Agad nag-deploy ng mga tauhan ang BFP sa area at pansamantalang ipinatigil ang operasyon ng gasolinahan habang iniimbestigahan ang hinihinalang gas leak.


Inirekomenda na ng BFP ang higupin ang laman ng underground fuel tank at magsagawa ng leak test sa gasolinahan.

Dahil naman dito, bahagyang may pagsikip sa daloy ng mga sasakyan na papasok papasok ng Visayas Ave., mula sa Elliptical Road dahil isinara rin maging ang isang lane sa tapat ng gasolinahan.

Facebook Comments