Manila, Philippines – Isa pang opisyal ng pamahalaan ang sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos na igiit umano ang importasyon ng bigas sa kabila ng desisyon ng pamunuan ng National Food Administration na huwag mag-angkat ng bigas.
Sa talumpati ni Pangulong Duterte kanina sa Talaveria Nueva Ecija, dismayado siya sa aksyon ng babaeng Undersecretary sa Malacañang dahil binalewala nito ang naging desisyon ng NFA.
Hindi aniya niya makita kung ano ang dahilan ng hindi pinangalanang Undersecretary kaya iniutos niya ang pagsibak dito.
Sinabi naman ni Pangulong Duterte na dalawa pang Undersecretary ang nakatakdang sibakin, at aabot pa aniya ng 5 ang kanyang tatanggalin sa posisyon bago matapos ang linggong ito.
Kasabay nito ay binigyang diin ni Pangulong Duterte na lilinisin niya ang gobyerno laban sa katiwalian.
Sa bukod na interview naman ay pinangalanan ni Agriculture Secretary Many Pinol ang sinibak ng Pangulo na si Office of the Cabinet Secretary Undersecretary Halmen Valdez na itinalaga sa posisyon noon pang nakaraang administrasyon.