Isang uri ng face mask, ipinagbabawal sa mga OFW sa HK

Nagpaalala sa Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Hong Kong ang Philippine Consulate doon hinggil sa pagbabawal ng Hong Kong government sa paggamit ng mask na may valve sa mga quarantine facilities.

Ito ay matapos na matuklasan na ang naturang uri ng mask ang naging daan ng hawaan ng COVID-19 sa isang quarantine facility doon.

Partikular ang insidente sa Regal Hotel kung saan isa sa naka-quarantine ay gumamit ng mask na may valve at nagbukas ng pinto na naging dahilan ng hawaan sa katapat na naka-quarantine.


Sa ngayon, may mangilan-ngilan pa rin na Filipino domestic workers ang nagpopositibo sa infection pagdating sa Hong Kong.

Facebook Comments