Umaabot na sa mahigit isandaang libong Filipino ang namamatay taun-taon dahil sa sakit na dyslipidemia, isang uri ng sakit o atake sa puso.
Ito ang inihayag ni Dr. Lourdes Ella Santos, Adult Cardiologist and Clinical Lipidologist.
Ayon kay Dr. Santos, batid na rin ng Department of Health (DOH) ang tungkol sa dyslipidemia.
Batay aniya sa datos, sa 580,000 deaths noong 2016, nasa 130 thousand na ang nasawi bunsod ng dyslipidemia, o heart disease at taun-taon ay tumataas ang bilang na ito.
Galing aniya ito sa sobrang pagkain ng carbohydrates gaya ng kanin, tinapay at iba mga pagkain na may matataas na sangkap ng asukal.
Mayroon ng clinical test and study sa ginawang research hinggil sa na-develop na gamot na maaaring maibigay sa mga mahihirap na pasyente.
Hinikayat ni Dr. Santos ang mga Filipino na iwasan ang pagkain ng mga nagtataglay ng mantika o fats gaya at mataas na lebel ng asukal at sa halip ay iprayoridad ang pagkain ng mga gulay at mga pagkain na mataas ang fiber content.