Isang uri ng phenomenon, tinukoy ng BFAR na sanhi ng fish kill sa Manila Bay

phenomenon ang tinukoy ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na sanhi ng fish kill sa Baseco, Tondo, Maynila.

Kasunod ito ng pagkamatay ng sampung kilo ng isda sa Manila Bay, partikular sa Baseco area.

Ayon sa BFAR, tinawatawag ang phenomenon na ito na upwelling o overturn na dahilan ng pagliit ng dissolved oxygen kaya namamatay ang mga isda.


Nangyayari ang upwelling o overturn tuwing malamig ang tubig dagat.

Umaangat at napapalitan ng mainit-init na tubig mula sa ibabaw kasunod ng mga pag-ulan.

Dahil dito, nabubulabog ang mga sediments mula sa ilalim ng dagat na nagiging dahilan upang umangat ang mga organismo na nagiging dahilan na maging kaagaw mg isda sa dissolve oxygen.

Lubhang napakababa ng dissolved oxygen sa Baseco area na nasa 0.11 milligram/liter.

Ang katanggap-tanggap na antas ng dissolved oxygen para mabuhay ang mga isda ay 5 mg/l.

Facebook Comments