TOG2-PAF, Hinikayat ang Publiko na may Angking Talento sa Pagsusulat

55

Cauayan City, Isabela- Hinihikayat ngayon ng Tactical Operations Group 2 ang publiko na makiisa sa kanilang contested activity bilang bahagi ng ika-73 na anibersaryo ng Philippine Airforce.

Ayon kay Col. Augusto Padua, commander ng TOG2, may nakalaang malaking premyo ang mga hihirangin na manalo sa ilang aktibidad gaya ng feature writing, cartooning, at Photo collage na sumisimblo sa mga naging hakbang ng hukbong himpapawid ng Pilipinas.

Dagdag pa ni Col. Padua, ang mga nabanggit na aktibidad ay bahagi rin ng ‘Youth Journalism’ kung saan hinihikayat ang mga out-of-school youth na may natatanging galing na makiisa sa kanilang anibersaryo.

Sa mga magwawagi sa nasabing contest, makakatanggap ng P40,000 para sa 1st Prize; P20,000 para sa 2nd Prize; at P10,000 para sa 3rd Prize bawat kategorya.

Facebook Comments