Isang vlogger binigyang pagkilala ng DOT

Manila, Philippines – Binigyan pagkilala ng Department of Tourism (DOT) ang vlogger at content creator na si Nuseir Yassin mas kilala sa pamamagitan ng kanyang online handle na “Nas Daily” para sa kanyang isang minutong video na nagtatampok sa Pilipinas.

Iginawad ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat ang certificate of recognition kay Yassin sa 2019 International Mediterranean Tourism Market na ginanap sa Israel.

Ang Nas Daily official Facebook page ay mayroon 11 million online followers at bawat isa ng kanyang videos ay may average na 3 million views.


Sinabi ni Tourism Undersecretary Benito Bengzon Jr, dahil sa impluwensya ng social media sa paglalakbay at lifestyle choices ng mga tao, ang viral videos ng Nas Daily ay may malaking epekto sa Pilipinas sa kamalayan ng mga biyahero, lalo na ang mga naghahanap ng mga bagong-multi-adventure destinations, na mayroon at maibibigay ng Pilipinas,

Ipinanganak sa Northern Israel si Yassin at nag-resign sa kanyang high-paying New York job sa 2016 upang maglakbay sa mundo at idokumento ang kanyang paglalakbay at mag-post ng isang minutong video araw-araw.

Ang kanyang self-funded travels ay nagdala sa kanya sa iba’t-ibang panig ng mundo mula Rwanda, Malta at kalaunan sa Pilipinas.

Sinabi ni Yassin na mayroon siyang special affection sa Pilipinas, na tinawag niyang “The country I love the most.”

Kasabay nito, pinasalamatan ni Yassin ang Department of Tourism (DOT), para sa iginawad na pagkilala at sinabi na ito ang kauna-unahang pagkakataon na tumanggap siya ng ganung award.

Facebook Comments