Manila, Philippines – Kasado na ang isasagawang Nationwide Simultaneous Earthquake Drill ngayong araw.
Pangungunahan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ang pagsisimula ng drill sa Central Command Camp sa Lapu-Lapu, Cebu City mamayang alas-2:00 ng hapon.
Kasabay nito, ilulunsad din ang “Bida ang Handa Campaign” ng Office of the Civil Defense na layuning palakasin ang kampanya sa disaster preparedness.
Isasagawa rin ang earthquake drill sa mga lalawigan ng Ilocos Norte, Bataan, Laguna, Camarines Sur, Iloilo, Zamboanga City, General Santos City, Maguindanao, Surigao Del Sur at Negros Island Region.
Kaugnay nito, patuloy ang pagsusuri ng Department of Public Works and Highways sa mga pampublikong imprastaktura para matiyak na ligtas ito sa anumang pagtama ng malakas na lindol.
Ayon kay DPWH Sec. Mark Villar – halos tapos na ang retro-fitting ng mga malalaking tulay sa Metro Manila habang kasalukuyang ang pagsusuri sa lahat ng gusali sa bansa na nasa earthquake prone area.