ISASAILALIM | Lomachenko – ooperahan dahil sa tinamong shoulder injury

Posibleng sa katapusan pa ng taon makabalik sa boxing ring si WBA Lightweight belt holder Vasyl Lomachenko.

Isasailalim kasi siya sa surgery dahil sa napunit niyang right labrum o isang uri ng cartilage sa balikat.

Ayon sa Top Rank Promotions, matapos ang operasyon ay kinakailangan pa ni Lomachenko ng sapat na pahinga kaya baka mapurnada pa ang nakatakda sanang laban nito kay WBO Lightweight champion Ray Beltran sa Agosto.


Tiniyak naman ng kampo ni Lomachenko na agad siyang manunumbalik sa dati niyang kondisyon matapos ang surgery.

Facebook Comments