Manila, Philippines – Nakatakdang isalang sa plenary deliberation ngayong araw ang corporate tax reform package ng Duterte Administration o Tax Reform for Attracting Better and High Quality Opportunities (TRABAHO).
Ayon kay House Committee on Ways and Means, Quirino Representative Dakila Carlo Cua, ang substitue bill na inaprubahan ng kanyang panel ay layuning bawasan ang corporate income tax rates at i-rationalize ang fiscal incentives.
Handa si Cua na maging sponsor at depensahan ang panukala sa plenaryo.
Umaasa si Cua na mabigyan ng Senado ng pagkakataon ang panukala.
Facebook Comments