Isasampang petisyon sa Korte Suprema kaugnay ng pagbabawal ni Pangulong Duterte na dumalo sa pagdinig Senate Blue Ribbon Committee ang kaniyang gabinete, inihahanda na

Inihahanda na ng Senado ang isasampang petisyon sa Korte Suprema kaugnay ng pagbabawal ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang gabinete na dumalo sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.

Kaugnay ito sa umano’y katiwalian sa pagbili ng gobyerno ng pandemic supplies mula sa Pharmally Pharmaceutical Corporation.

Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kahapon sinabi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na nagpulong na ang mga senador kaugnay dito at nagkasundong kwestiyunin ang legalidad ng nasabing kautusan ng pangulo.


Lumabas din sa pagdinig na bigo ang ilang personalidad at opisyal ng Pharmally Pharmaceutical na isumite ang kani-kanilang income tax return (ITR) sa Bureau of Internal Revenue (BIR) ng ilang taon.

Dahil dito, pinasasapubliko na ni Drilon ang income tax returns nina:

  • Pharmally Pharmaceutical Execs Mohit at Twinkle Dargani, Linconn Ong, Justine Garado
  • Yang Hong Min, o kilala bilang Michael Yang
  • Rose Nono Lin
  • Zuxhou Construction Machinery Group

Sa pagdinig, no show pa rin ang magkapatid na Mohit and Twinkle Dargani.

Facebook Comments