ISASANTABI | UN arbitral ruling sa West Philippines Sea, isasantabi muna ng Malacañang

Manila, Philippines – Isasantabi na muna ng Malacañang ang naging arbitral ruling ng United Nations (UN) sa maritime dispute sa West Philippine Sea.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, walang intensyon ang palasyo na galitin ang China habang inaayos ang magandang relasyon ng dalawang bansa.

Aniya, hindi na rin bago ang pag-landing ng bomber plane ng China sa West Philippine Sea pati na ang paglalagay umano nila ng missile system.


Giit pa ni Roque, malinaw naman ang intensyon ng China nang magsagawa ng reklamasyon sa mga isla sa West Philippine Sea ay para gamitin ito bilang base militar at hindi para gawing tourist attraction.

Facebook Comments