MARAWI REHABILITATION | Malacañang, kuntento sa rehabilitasyon ng Marawi City

Manila, Philippines – Kuntento ang MalacaƱang sa isinasagawang rehabilitasyon sa Marawi City kasabay ng unang anibersaryo ng pagsalakay ng Maute-ISIS Group doon noong isang taon.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, buo ang tiwala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa performance ni Task Force Bangon Marawi Chairman Eduardo Del Rosario.

Aniya, 70 porsyento ng mga residente ng Marawi City ang nakabalik na sa lungsod.


Ang naturang datos aniya ang patunay na maganda ang development ng rehabilitation efforts sa lugar.

Gayunman, aminado si Roque na matatagalan pa ang pagsasaayos sa ā€œmain battle areaā€ na siyang piĀ­nakaapektadong bahagi ng siyudad.

Facebook Comments