Manila, Philippines – Inaasahang ilalabas na sa susunod na buwan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang bagong fare structure sa mga Transport Network Vehicle Service (TNVS) na mas mataas kumpara sa mga taxi.
Ayon kay LTFRB Board Member Aileen Lizada, ito ay para maiwasang magkalapit ang pasahe ng TNVS sa mga taxi.
Itinuturing kasi ng LTFRB bilang “premium service” ang TNVS dahil gumagamit ito ng app at mas komportableng sasakyan para sa mga pasahero kaya dapat mas mataas ang pasahe nito kaysa sa taxi.
Sabi ni Lizada, magbibigay ang LTFRB ng batayan na pagbabasehan ng mga Transport Network Company (TNC) ng kanilang magiging singil.
Facebook Comments