ISASAPUBLIKO | Guidelines para sa deployment ng OFW sa Kuwait, ilalabas ng DOLE

Manila, Philippines – Ilalabas na sa susunod na linggo ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga panuntunan para muling makabiyahe patungong Kuwait ang mga domestic worker.

Sa pagdinig ng committee on labor, sinabi ni DOLE Secretary Silvestre Bello III na layon ng mga bagong polisiya na mas mapabuti ang kalagayan ng mga domestic worker sa Kuwait.

Aniya, nakapaloob ito sa naselyuhang Memorandum of Understanding o MOU sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait para sa kapakanan ng mga OFWs.


Bumuo na rin aniya ng joint committee na may kinatawan mula sa mga opisyal ng Pilipinas at Kuwait na magmo-monitor sa mga OFWs.

Kasabay nito, sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary Ernesto Abella, na mayroon rin silang ilulunsad na OFW hotline.

Tiniyak rin ng DFA at ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na tutulungan nila ang mga skilled workers na may expired na visa at medical certificate para muling makapagtrabaho sa Kuwait.

Facebook Comments