ISASAPUBLIKO | Isa pang bonus para sa mga empleyado ng gobyerno, ilalabas na ng DBM

Manila, Philippines – Matapos ilabas ng Department of Budget and Management ang year-end bonus o 14th month pay at Christmas bonus ng mga manggagawa ng Gobyerno noong nakaraang linggo ay mayroong panibagong good news ang DBM sa empleyado ng gobyerno.

Batay sa inilabas ng DBM ay ilalabas nila ang tinatawag na Collective Negotiation Agreement o CAN na matatanggap naman mula December 15.

Ayon sa DBM, ang CNA ay isang one-time benefit na hindi lalampas sa 25 libong piso na ibinibigay sa rank and file employees at sa management ng mga ahensiya ng gobyerno na nagpapatupad ng CNA.


Ibinibigay ang CNA bilang pagkilala sa pagtupad sa performance targets nang hindi gumagastos ng malaki sa kanilang operasyon.
Kabilang sa mga makatatanggap ng CAN ay Civilian Personnel na Regular, Contractual, o Casual positions na nagseserbisyo sa fulltime o part time basis sa national government agencies.

Facebook Comments