ISASAPUBLIKO | SALN ng Pangulo at gabinete, otomatiko nang isasapubliko dahil sa FOI

Manila, Philippines – Hindi na kailangan pang humingi pa ng kopya ang publiko ng Statement of Assets Liabilities and Net worth o SALN ni Pangulong Rodrigo Duterte at mga miyembro ng gabinete nito.
Sa briefing ni Presidential Communications Assistant Secretary Kris Ablan sa Malacañang ay sinabi nito na pinag-aaralan na ng Freedom of Information Committee ang otomatikong paglalabas ng mga impormasyong madalas na hinihingi ng Publiko sa FOI.
Paliwanag ni Ablan, isa ang SALN sa mga dokumentong pinakamadalas na hinihingi ng publiko kaya ngayong taon ay hindi na ito kailangang i-request.
Sinabi ni Ablan na ngayong taon ay isasapubliko na nila agad ang SALN ni Pangulong Duterte at gabinete nito para hindi na kailangang hingin sa FOI. Tiniyak din naman ni Ablan na ginagawa ngayon ng pamahalaan ang lahat para mabilis na mailabas ang lahat ng impormasyong hinihingi ng publiko sa FOI committee na kanyang pinamumunuan.

Facebook Comments