ISASAPUBLIKO | Shortlist sa associate justice post sa SC, ilalabas ngayong araw

Manila, Philippines – Ilalabas na ng Judicial and Bar Council o JBC ngayong araw ang shortlist para sa associate justice post.

Partikular ang pwestong binakante ni dating Chief Justice Teresita De Castro nang mahirang ito bilang punong mahistrado.

Ang naturang shortlist ay isusumite ng JBC sa Pangulong Duterte para pagpilian ng kanyang hihirangin na bagong Supreme Court associate justice.


Samantala, patuloy din ang screening ng JBC sa mga aplikante para sa associate justice post na babakantehin ni Justice Noel Tijam na magreretiro sa darating na Enero.

Facebook Comments