ISASARA? DOT, pinag-aaralang ipasara ang buong isla ng Boracay sa loob ng apat na buwan

Manila, Philippines – Pinag-aaralan ng Department of Tourism ang posibilidad na isara ang buong Boracay sa loob ng apat na buwan.

Ayon kay DOT Sec. Wanda Teo, ito ay para maayos ang mga problema ng isla.

Sinabi naman ni Dept. of the Interior and Local Government OIC Sec. Eduardo Año na iniimbestigahan na nila ang mga opisyal ng Malay, Aklan para malaman kung may nagpabaya sa kanilang trabaho na bantayan ang mga beach resort doon.


Aniya, kung mapapatunayan, mahaharap sa kasong administrasyon o dismissal ang mga ito.

Kahapon, nagbigay na ng 15 araw na ultimatum ang Dept. of Environment and Natural Resources para boluntaryong gibain ang mga establisyimento sa isla kung hindi ay gobyerno na ang sisira sa mga ito.

Facebook Comments