SUSPENDIDO | Pag-IBIG Fund Loyalty Card di muna magagamit!

Ini-anunsiyo ng Pag-Ibig Fund o ng Home Development Mutual Fund Dagupan City branch ang pansamantalang suspensyon ng pag enroll sa mga loyalty card ng Pag-IBIG Fund. Nagsimula ang suspensiyon noong ika-labing lima ng pebrero hanggang sa ikatlong kwarter ng kasalukuyang taon.

Sinabi ni Pag-IBIG Fund sales and marketing division head, Noreen Zamuco, layunin ng pagsuspinde na mas lalo pang mapagaan ang pag gamit ng loyalty card upang mabigyan ng magandang serbisyo at benepisyo ang mga miyembro nito. Dagdag pa nito, maaari na umanong makakuha o maglabas ng short-term loan ang mga benepisyaryo ng loyalty card

Bukod sa short-term loan at dating benepisyo nito, nabanggit rin ni Zamuco na maaari ring gamitin umano ito upang makakuha ng diskwento sa pagbili ng mga pang araw-araw na bilihin, gaya na lamang ng grocery items at gasoline maging sa bagbabayad ng matrikula.


Samantala, suhestiyon ni naman ni Zamuco na bisitahin na lamang ang kanilang tanggapan o kaya naman ay bisitahin ang kanilang website para sa mga karagdagan pang impormasyon tungkol sa pagsuspinde ng nasabing loyalty card.

Based on PIA-Pangasinan PR

Facebook Comments