Manila, Philippines – Idinaan ni Department of Health (DOH) Assistant Secretary Eric Tayag sa pagsasayaw ang panawagan nila na huwag ng magpaputok sa selebrasyon ng Kapaskuhan at Bagong Taon.
Ito ay upang maging masaya at walang maitalang sugatan ng dahil sa paputok kung saan nagsimula na silang makakuha ng balita na mga naitala nang firecracker-related injuries.
Ayon kay Tayag, napili niya ang hit dance song na “Despacito” na kinanta nina Luis Fonsi, Daddy Yankee at Justin Bieber para ipaabot sa mga mamamayan ang panawagan ng DOH.
Ibig sabihin daw kasi ng “Despacito” ay magdahan-dahan lamang upang maging masaya at payapa ngayong holiday season.
Bukod dito, tumulong din si Tayag sa inilunsad na “Baywang Watch” para paalalahan ang mga tao na panatilihing ligtas at isipin lagi ang kalusugan.