NAPUTUKAN | Kauna-unahang nabiktima ng paputok, naitala na

Manila, Philippines – Naitala na ang pinaka-unang biktima ng paputok ngayong buwan ng Department of Health.

Nakilala ang biktima na si alyas “Boy” 11-anyos, na residente sa Pasig City kung saan nasabugan ng iligal na paputok na piccolo nitong Huwebes.

Ayon sa ina ng biktima, sa pag-aakala niyang nag-aalmusal ang kanyang anak ay naglalaro pala ito ng paputok sa labas.


Dahil dito, bina-validate na ng DOH ang kaso ni Boy para maisama sa kanilang bilang ng mga fireworks-related injuries na nagsimula nitong Huwebes at magtatapos sa Enero 5, 2018.

Facebook Comments