ISELCO 1, Inulan ng Reklamo sa Mataas na Billing!

Cauayan City – Pinutakti ng batikos at reklamo ang pamunuan ng Isabela 1 Electric Cooperative (ISELCO) dahil sa biglang paglobo ng babayarin sa kuryente ngayong buwan.

Ayon sa reklamo ng ilang member consumer, higit pa sa 100% ang itinaas ng kanilang konsumo.

Si Mrs. Irene Serrano, Brgy treasurer ng District 1, Cauayan City, mula sa babayaring 1,700.00 ay lumobo sa 3,600 piso ang kailangan niyang barayan.


Problemado ngayon si ginang Serrano dahil mahirap kumite ng pera ngayong lock down ay ganito pa kalaki ang kailangan niyang bayaran. Ganito rin ang sentimiyento ni ginang Lyn Rome Luna Lagula.

Mula sa Php722.00 ay umakyat sa Php2,400.00 ang kanyang babayaran ngayong buwan ng Abril.

Buwelta naman ng pamunuan ng ISELCO, una na silang nag pabatid noong April 21, 2020 sa mga member consumer na maaaring bahagyang tataas ang konsumo dahil sa mas malimit na paggamit ng mga appliances tulad ng aircon, electric fan, TV, refrigerator at iba pa ngayong panahon ng Enhanced Community Quarantine o ECQ.

Kumpara sa mga nagdaang buwan bago nagpatupad ng ECQ na malimit nasa trabaho ang karamihan sa mga miyembro ng pamilya kaya mas nalilimitahan ang paggamit sa mga appliances.

Dagdag pa ng ISELCO I, isa pang dahilan ang napakainit na panahon kaya hindi maiiwasan ang palagiang paggamit ng aircon o electric fan at refregirator na nakakadagdag konsumo sa kuryente ng mga residential consumers.

Facebook Comments