Nagpatupad ang Isabela Electric Cooperative-1 (ISELCO 1) ng dagdag-singil sa kuryente para sa buwan ng Nobyembre 2022 matapos ang kanilang tapyas-singil noong nakaraang buwan.
Batay sa abiso ng kooperatiba, magiging P13.56/kWh ang singil sa residential mula sa dating P12.18 noong nakaraang buwan.
Para naman sa Low Voltage, may pagtaas ng P1.37 /kWh kung saan magiging P12.68 na ang singil mula sa dating P11.30/kWh.
Habang tumaas naman sa P11.20 kWh mula sa dating P9.89 para sa High Voltage kung saan, tumaas ito ng P1.32/kWh.
Ayon sa ISELCO 1, ang dagdag-singil sa kuryente ay bunsod ng pagtaas ng Generation Rate at iba pang mga charges.
Ang generation rate ay tumaas ng P1.09/kWH dahil sa pabago bagong mga variable factors tulad ng Foreign Exchange Rates, Consumer Price Index, Global Coal Price Index, at iba pa.
Facebook Comments