ISELCO-1, MAY PAALALA SA MGA KONSYUMER

CAUAYAN CITY- Nagbigay paalala ang pamunuan ng Isabela Electric Cooperative-1 sa mga miyembro nito hinggil sa kanilang mga utang na dapat bayaran.

Magsasagawa ng malawakang pagputol ng kuryente o disconnection ngayong buwan ng Oktubre ang naturang kooperatiba.

Apektado at kabilang dito ang mga member consumer-owners na mayroong utang sa kanilang buwanang konsumo na isang buwan o higit pa.


Ang direktiba na ito ay alinsunod sa Disconnection Policy ng nasabing kooperatiba kung saan layunin nitong matugunan ang pangangailangan ng kooperatiba katulad ng pagbabayad sa mga serbisyo ng kuryente.

Samantala, mahigpit naman na pinapaalalahanan ang mga konsyumer na magbayad ng buwanang konsumo siyam na araw matapos matanggap ang Statememt of Account upang maiwasang maputulan ng suplay ng kuryente.

Facebook Comments