ISELCO 2, MAGPAPATUPAD NG DAGDAG-SINGIL SA KURYENTE

Muling magpapatupad ng dagdag-singil sa kuryente ang Isabela Electric Cooperative (ISELCO) 2 para sa buwan ng Oktubre 2022.

Batay sa abiso ng kooperatiba, magiging P17.29/kWh ang singil sa residential mula sa dating P16.54/kWh noong nakaraang buwan.

Sa Low Voltage naman, magiging P 16.10/kWh ang singil mula sa dating P15.35/kWh habang tumaas naman sa P14.43/kWh para sa Higher Voltage mula sa dating P13.63/kWh.

Sa SPug-Palanan naman ay bahagyang bumaba sa P9.0635 mula sa P 9.1276 noong buwan ng Setyembre.

Paliwanag ng ISELCO 2, ang pagtaas sa power rate ngayong buwan ng Oktubre 2022 ay epekto ng mataas na generation charges mula sa mga plantang pinagkukuhanan ng suplay ng kuryente ng kooperatiba.

Binibigyang-diin din ng ISELCO 2 na ang generation charge ay isang pass-through charge na hindi napupunta sa Kooperatiba kundi sa mga power providers.

Tinitiyak naman ng kooperatiba na ang power rate ay alinsunod sa mga regulasyon ng Energy Regulatory Commission (ERC).

Facebook Comments