ISELCO II, Nagpaliwanag sa Patay Sinding Kuryente Ngayong Summer!

Cauayan City, Isabela- Nagpaliwanag ang pamunuan ng Isabela II Electric Cooperative (ISELCO II) sa nararanasang power interruption sa ilang bahagi na nasasakupan nito.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay General Manager Dave Siquian ng ISELCO II at Chairman ng Philippine Federation of Electric Cooperative (PHILFECO), inaasahan aniya ang pagkawala ng kuryente tuwing summer dahil sa matinding init ng panahon.

Ito’y dahil na rin sa mataas na demand sa kuryente dahil karamihan sa mga consumers ay nasa loob lamang ng bahay dahil sa Enhanced Community Quarantine.


Dahil sa dami ng kumokonsumo ng kuryente ay naaapektuhan aniya ang mga wires na nagiging sanhi ng pagkawala ng kuryente.

Hindi aniya kagustuhan ng Kooperatiba ang pagkakaroon ng brownout kaya’t agad din nila itong inaayos.

Humihingi naman ng paumanhin at pang-unawa si GM Siquian sa mga consumer owner na naapektuhan ng patay sinding kuryente.

Facebook Comments