ISELCO II, Umangat sa Category A!

Ilagan City, Isabela- Umangat na sa Category A ang ISELCO II dahil sa maayos na teknikal at pinansyal na operasyon ng pamamalakad sa mga nasasakupan nitong lugar.

Sa naging ugnayan ng programang Straight to the Point ng RMN Cauayan kay ISELCO II General Manager David Solomon Siquian, sinabi nito na ito umano ang una sa kasaysayan na magkaroon ang ISELCO II ng ganitong kategorya mula ng hinawakan ito ng National Electrification Administration.

Aniya, malaki umano ang nagwa ng pagkakaroon ng teknikal system notes na hindi lumampas sa 13% at ng pagtaas ng collection sa 95% sa pagpapaayos at pagpapaganda ng cooperatiba.


Samantala, ang pondo naman na mahigit 30 Milyon ay inilaan na sa Sitio Electrification Program partikular sa nasasakupan ng ISELCO II gaya ng District 1 at District 2 sa lungsod ng Ilagan.

Naniniwala naman si GM Siquian na ang pagkakaroon ng magandang ugnayan at pagkakaisa ng mga namamahala at manggagawa ay may malaking naitulong upang maabot ang ganitong kategorya.

Facebook Comments