ROAD RAGE | Tricycle driver binaril ng jeepney driver, patay sa Tondo Manila

Manila, Philippines – Patay na ng idating sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang isang tricycle driver matapos na barilin ng isang jeepney driver sa Tondo Manila.

Nakilala ang biktima na si Robert Padilla 31 anyos tricycle driver residente ng Narra Street Tondo Manila habang tumakas naman ang suspek na si Robert Mendoza 31 residente ng Orion Street Tondo Manila na tumakas matapos ang pamamaril.

Ayon kay PO3 Tom Jay Fallar nabundol ng minamanehong Tricycle ang pampasaherong jeep na minamaneho ng biktima pero na-settled na ito subalit naghamon ng suntukan ang biktima sa suspek.


Agad namang pinatulan ng jeepney driver ang hamon nitong suntukan pero pagkatapos ng suntukan kumuha ng kalibre 38 revolver ang suspek at binaril ang biktima naisugod pa sa pagamutan subalit binawian na rin ng buhay.

Tumakas ang suspek matapos ang pamamaril.

Facebook Comments