Ikinatuwa ni Brazilian President Jair Bolsonaro ang isinagawang anti-social distancing ng mga taga-suporta ng kaniyang administrasyon.
Ito ay sa kabila ng naitalang 90,000 na bagong kaso ng COVID-19 at mahigit 2,800 na nasasawi kada araw sa kanilang bansa.
Ayon kay Bolsonaro, nagpapakita lamang ito na buhay na buhay ang mga tao sa kanilang bansa at iginiit na dapat irespeto ng ilan ang kanilang konstitusyon at ang kalayaang gusto ng kaniyang nasasakupan.
Matatandaang inulan ng batikos mula sa ilang eksperto si Bolsonaro dahil sa umano’y pagbalewala nito sa COVID-19.
Facebook Comments