Maituturing na tagumpay ang isinagawang Overseas Absentee Voting (OAV) ngayong 2022 elections, dahil sa mataas na voter turnout kumpara noong 2016 elections.
Ito ay ayon kay Foreign Affairs Voting Secretariat Zoilo Velasco, kahit pa mayroong mga umiiral na restriksyon sa iba’t ibang bansa laban sa COVIID-19 pandemic.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Velasco na nakaranas din naman ng mga ilang aberya sa naganap na OAV.
Gayunpaman, nagawan naman aniya ito ng paraan ng Commission on Elections (COMELEC).
Pinakamarami aniya sa mga Pilipinong botanteng nakibahagi rito ay nagmula sa Hong Kong, Singapore at Dubai.
Habang ngayong linggo rin inaasahan na matatapos ang isinasagawang canvassing para dito.
Matatandaan na base sa pinakahuling datos na inilabas ng COMELEC, nasa 34.24% na ang voter turnout ng OAV, mula sa kabuuang bilang na 1.69 million na botanteng nakibahagi rito.